Patok na patok para sa mga bakasyunista ang sikat na pasyalan sa bayan ng Corcuera, ang Parola.
Ang nasabing Parola o Light House ay matatagpuan sa Barangay San Roque sa bayan ng Corcuera sa Simara Island. Nagsisilbi itong compass para sa mga sea travelers na bumabiyahe sa Tablas Straight.
Taong 1910, panahon ng kolonisahan ng mga Amerikano ng maitayo ang Simara Parola o Corcuera Point matapos na bumisita sa bayan ang American Survey Ship Fathomer na nagsagawa ng hydrographic surveys at depth sounding sa karagatan na sakop ng Simara Island. Ang Corcuera noon ay bahagi pa ng munisipyo ng Banton at humiwalay lamang taong 1931.
Batay sa history, itinayo ito sa Barangay San Roque dahil dito nagsimula ang Tablas Straight na kung saan nagsisilbing daanan ng napakaraming barko sa ngayon.
Maliban sa magandang pasyalan ang lugar lalo na sa mga gustong mag date o mga bakasyunista, nagagamit rin ito ng mga manlalayag dahil hanggang ngayon ay isa itong active lighthouse.
Sa ngayon, pinamamahalaan na ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng Department of Transportation ang lighthouse.
Ginawa na rin itong isa sa mga tourist spot ng Isla matapos itong i-develop ng Local Government Unit sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rachel Bañares.