Simula ngayong araw ay bawal na ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Odiongan katulad ng sidewalks, pampublikong sasakyan, kalsada, palengke, public gymnasium, lahat ng gusali ng pamahalaan, ospital, at mga paaralan.
Sa launching kanina sa Odiongan Public Plaza ng bagong ordinansa, sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na may mga nilaang lugar naman ang Local Government Unit kung saan pwedeng manigarilyo.
Isa na rin itong paraan para maiwasan ng mga taga-Odiongan ang magkasakit sa baga dahil sa second-hand smoke na dala ng mga naninigarilyo.
Kasamang mahigpit na ipapatupad sa bayan ang pagtitinda ng mga ‘yosi’ sa mga menor de edad alinsunod sa Republic Act 9211 or An Act Regulating the Packaging, Use, Sale, Distribution and Advertisement of Tobacco Products and for Other Purposes.