Tinataya ng South Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ang Oriental Mindoro na maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pulo-pulong pagkulog-pagkidlat mula ngayon hanggang bukas ng hapon.
Babala ng SLPRSD: ang mga sitwasyong ito ay maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa kaya pinag-iingat ang mga taga-Oriental Mindoro.
Samantala ang Marinduque, Romblon, Kabikulan at Northern Samar naman ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan at pulo-pulong pagkulog-pagkidlat.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral habang ang karagatan ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. (Lyndon Plantilla/PIA)