Sinimulan ng ipagbawal ng Local Government Unit ng bayan ng Odiongan ang pagbiyahe sa mga kalsada ng Odiongan ang mga motorsiklong maiingay dahil sa mga modified mufflers na nakakabit sa kanilang mga tambutso.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, sinimulan ng ipatupad sa bayan ang Municipal Ordinance 2015-10 na may pangalang ‘An Ordinance Penalizing Owners of All Motor Vehicles Within the Municipality of Odiongan, Romblon for Using Mufflers which create Irritating, Excessive Sound which Results to Noise Pollution in this Municipality and Province’.
Ang mga mahuhuling lumabag ay pagbabayarin ng P500 sa first offense, P800 sa second offense, at P1,000 sa third offense. I-impound rin ang kanilang mga motorsiklo at dapat palitan na ang mga muffler sa loob ng tatlong araw.
Sa fourth offense naman ay pagmumultahin na ang mga lalabag base sa National Law na P5,000.
Mensahe ni Mayor Fabic sa mga may motorsiklong may modified mufflers, simulan ng ipaayos ang mga ito sa mga talyer para hindi na umano maingay at maiwasan na rin silang mahuli.