Ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Romblon Municipal Fire Station ay nagsagawa ng inspeksiyon sa mga pampasahero na bangkang de motor sa bayan ng Romblon upang matiyak na mayroong fire estinguisher ang mga ito.
Ito ay isinasagawa ng Romblon Fire Station para mabigyan ng conveyance permit ang mga may-ari ng bangka at operators na kanilang ipiprisenta sa Maritime Industry Authority (MARINA) kapag magpaparehistro ng kanilang sasakyang pandagat.
Ayon pa sa BFP Romblon, taunang isinasagawa ito ng kanilang ahensiya upang paalalahanan din ang mga may-ari ng bangka na tiyaking may sapat na kasanayan ang mga tripulante sa paggamit ng fire estinguisher at mayroong ding kaalaman sa pag-apula ng sunog.
Ang hakbang na ito ng BFP ay upang masigurong ligtas sa insidente ng sunog ang mga pasaherong sumasakay sa pumpboats o motorized boats.