Nakiisa rin kaninang umaga ang iba pang bayan sa lalawigan ng Romblon sa pag sasagawa ng Third Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (#Pagyanig2016) sa iba’t ibang paaralan sa kanilang nasasakupan.
Sa bayan ng Alcantara, pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamumuno ni Cipriano Marcelo, Alcantara MPS sa pangunguna ni PSI Sandy Falcutila, at BFP sa katauhan ni SFO2 Elizalde Garcia ang aktibidad sa San Roque Elementary School.
Sa ganap na alas-9 ng umaga, sabay-sabay na nag dock, cover, and hold ang mga estudyante matapos na marinig ang hudyat na may nangyayaring pagyanig ng lupa.
Bahagi umano ito upang paghandaan ang anumang magiging dulot ng kinatatakuhan na malakas na lindol na maaring tumama sa lalawigan o sa kalapit probinsya.
Nagpasalamat naman ang grupo kay Mr. Joey Iyo ng San Roque Elementary School sa pakikiisa, gayun na rin sa mga guro at estudyante ng nasabing paaralan.
Sa bayan naman ng Santa Maria, nagsagawa rin ng drill sa loob ng Romblon State University Santa Maria Campus.
Sa bayan naman ng Magdiwang, halos lahat ng tauhan ng local government unit at ng mga uniformed personnel ang nakiisa sa isinagawang earthquake drill sa Ambulong Elementary School.
Aabot sa 150 na mga estudyante ang nakiisa sa nasabing drill. – with reports from Renand Pastor