Panauhing pandangal ng Police Regional Office MIMAROPA sa kanilang 115th Police Service Anniversary Celebration ang ika-21 na Chief ng Philippine National Police na si Police Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa nitong September 08.
Ginanap ang nasabing celebration sa Camp Efigenio C Navarro sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang nasabing highlights ng celebration ay ang pagbibigay parangal sa mga police personel na magaganda ang performance noong 2015 ganun na rin ang mga Local Chief Executive o civilian na patuloy sa pagsusuporta sa mga programa ng Police Regional Office.
Pinarangalan rin sa nasabing aktibidad ang mga Gobernador na nasa ‘Honor List’ ni Pangulong Rodrigo Duterte at isa na rito si Romblon Governor Eduardo Firmalo.
Kinilala naman ang Romblon Provincial Police Office sa mga unit na mababa ang naitalang election related incidents nitong nakaraang May 2016 National and Local Election.
Maliban sa pagbibigay ng award, inilunsan rin sa nasabing aktibidad ang project “Drogamon Go”, isang local version ng project ‘Tokhang’ ng PNP.
Dito ang mga sumuko sa project tokhang na drug pushers ay sasanayin upang maging speakers para sila nanaman ang mga maka-encourage sa ilan pang users/pushers na hindi parin sumusuko.
Nag-ikot rin si Police Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa tinatayong construction site ng RHQ Building, Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) building, at dumalo sa presentation ng mga bagong gamit ng Special Weapons and Tactics (SWAT) katulad ng kotse, motorsiklo, at mga SWAT equipment.