Inabo ng apoy ang Looc Public Dry Market na may tindang plastic, mga damit, at iba pang tuyong bilihin sa Looc, Tablas Island, Romblon bandang 12:20 ng tanghali kanina.
Ayon sa kwento ng mga tindira sa nasabing palengke, may narinig umano silang pagsabog sa may likod na bahagi ng dry market, maya maya may nakita na silang usok.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa mga light material ang nasabing palengke.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Looc, umabot sa 3rd alarm ang sunog at pasado alas-2 na ng hapon na fire out. Wala ring nasaktan sa insidente.
Ayon naman kay Vice Mayor Gadaoni, umabot ng mahigit 2M pesos ang total na nasira sa sunog.
Pansamantalan munang ililipat sa bagong gawang public market sa parehong bayan ang mga nasunugan.