Nagtapos noong Huwebes ang stakeholders’ forum na idinadaos ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa para sa mga alkalde at iba pang mga delegasyon mula sa rehiyon.
Nilalayon ng forum, ginaganap sa lungsod ng Makati, na ipakilala sa mga lokal na ehekutibo ang mga social program ng DSWD-Mimaropa at mapagtibay pa ang kanilang balikatan sa pagpapatupad ng mga nito sa kani-kanilang mga bayan.
Inaasahang magiging mas maayos ang ugnayan ng ahensiya at ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga hakbanging tungo sa pagsisilbi sa mga kababayan sa Mimaropa.
Ang forum ay isa ring paraan para makakuha ng mga rekomendasyon mula sa lokal ehekutibo para sa pagpapatakbo ng mga programa. (Lyndon Plantilla/PIA-MIMAROPA)