Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) – Romblon District, Assistant District Engineer Roger David ang mga paratang sakanya ng mga taong nagpadala ng petition sa DPWH Regional Office nitong nakaraang buwan.
Ayon kay David ng makapanayam ng Romblon News Network nitong September 14, sinabi niya na isa lamang siyang Assistant District Engineer sa opisina at hindi umano siya ganun ka powerfull para sa aksusasyong siya ang nakakuha ng mga kontrata ng DPWH at inililipat lang sa isang dummy.
Ntiong August 02, aabot sa 49 na casual at regular employee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Romblon District ang lumagda sa isang petisyon para ilipat ng ibang distrito si David.
Ayon sa petition, sinisira umano ni David ang reputasyon ng DPWH-Romblon dahil sa pagharang niya sa ilang mga kontraktor kapalit ang ‘talent fee’.
Sinabi rin sa petition na may mga kontraktor si David na pinapaburan at napakahigpit umano sa mga kontraktor na ayaw niya.
Ayon kay ADE David, wala umano siyang kakayahan na kontrolin ang mga kontrata na pumapasok sa opisina dahil nagkakaroon umano ng bidding ang bawat proyekto at meron din umanong Bids and Awards Commitee ang DPWH-Romblon.
“I dare them, name one contractor na di umano ay ginagamit ko.” hamon ni David.
“Hinigpitan ko talaga ang mga pumapasok na papeles dito sa opisina ko, what if may mga kontraktor na nagpapas ng papeles eh, kulang? Mamadaliin ba nila ako?,” pahayag pa ni David.
Sinabi rin ni David na ang ilan sa mga pumirma sa petition ay nakausap niya at sinabing hindi umano alam ng mga pumirmang casual na isa palang petition letter ang ipinakalat ng isa sa mga sumisira lang di umano sa kanya.
Tanong rin ni David sa mga pumitisyon, kung talaga umanong corrupt siya, bakit kailangan pa umano siyang ilipat sa ibang distrito ay pwede naman sampahan ng kaso.
Si David na tubong Concepcion, Romblon ay dating nag tatrabaho sa Central Office ng DPWH at nalipat sa DPWH-Romblon bilang Assistant District Engineer nitong 2014.
Patuloy namang inaantay ng opisina ni Regional Director Subair S. Diron ng DPWH Regional Office ang original na kopya ng petition bago sila makagawa ng action.