Inaresto ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station ang isang mangingisda na lalaki di umanoy muntik niya ng saksakin ang isa pang mangingisda na matagal niya ng kaalitan.
Ayon sa spot report ng SMMPS, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concern citizen dahil may gulo umano sa Sitio Tabok sa Barangay Sto. Niño. Agad naman umanong nagpadala ng mga personel ang Santa Maria Municipal Police Station upang tingnan ang sitwasyon.
Dito na napagalaman ng pulisya na sinubukang saksakin ng lasing na suspek na si Michael Tapao, 42-taong gulang, ang biktimang si Jupie Molo, 56-taong gulang habang nasa shoreline pa ang dalawa gamit ang isang kutselyo ngunit hindi ito tinamaan matapos na makailag at makatakas.
Umuwi umano ang suspek sa bahay nila at bandang alas-2 ng hapon ay bumalik ito dala ang kanyang bolo at nag-antay sa labas na dumaan ang biktima na si Molo.
Muli umanong sinaksak ng suspek si Molo gamit naman ang kinuha niyang bolo ngunit hindi ito muling tinamaan, dito na nakuha ng biktima ang bolo at nahawakan ang suspek hanggang dumating ang mga tauhan ng Barangay.
Hawak na ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station ang suspek at ang ginamit niyang bolo.
Ayon sa imbestigador ng kaso na si PO1 Dennis Magracia, alitan sa pangingisda umano ang maaring dahilan ng suspek kung bakit niya tinangkang saksakin ang biktima.
Nakatakdang kasuhan ang suspek ng frustrated murder.