Dalawang Romblomanon ang na-elect upang pangunahan ang dalawang committee sa 56th MIMAROPA Regional Development Council.
Sa katatapos lang na 56th MIMAROPA Regional Development Council meeting kahapon, pinag-usapan na mag elect na ng chairman at co-chairman para sa apat sectoral committee ng Regional Development Council.
Ito ay ang ang mga Development Administration Committee, Economic Development Committee, Infrastructure Development Committee, at ang Social Development Committee.
Sa Development Administration Committee (DAC), na-elect na chairperson si Kathy Lene Cielo ng Mindoro Biodiversity Conservation Foundation Inc. at co-chairperson naman ang Romblomanon at Mayor ng Corcuera, Romblon na si Mayor Rachel Bañares, president ng Mayor’s League sa lalawigan.
Sa Economic Development Committee (EDC) naman ay na-elect bilang chairman ang Romblomanon at representative ng Bayay Sibuyanon na si Rodne Galicha, habang co-chairperson naman si Marinduque Governor Carmencita Reyes.
Sa Infrastructure Development Committee (IDC) ay na-elect si Fr. Arvin Anthony Madla ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) kasama bilang co-chairperson si Mayor Roberto Madla ng Boac. Sa Social Development Committee (SDC) naman ay na-elect bilang chairperson si Marvi Trudeau ng Shell Foundation habang co-chairperson si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Wilma Naviamos.
Sa nasabing 56th MIMAROPA Regional Development Council meeting ay pinarangalan rin si Governor Eduardo Firmalo ng lalawigan ng Romblon dahil sa performance niya bilang Chairperson ng MIMAROPA Regional Development Council noong taong 2013 hanggang 2016.
Noong 55th RDC Full Council Meeting, na nominate bilang papalit kay Governor Firmalo bilang chairman ng RDC sina Palwan Governor Jose Alvarez at Calapan City Mayor Arnan Panaligan habang sina Rodne Galicha ng Bayay Sibuyanon naman at si Marvi Trudeau ng Shell Foundation ang na nominate bilang co-chaiperson.
Si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ang bahalang pumili sa mga na-nominate kung sino ang gusto niya ilagay sa pwesto.