Usapan ngayon sa Facebook Group ng ilang mga taga-Simara Island ang pagkakasira ng bahagi ng kanilang pantalan.
Sa Facebook post ni Bernie Fallurin, makikita ang malaking bitak na halos ihiwalay na sa pantalan ang dulong bahagi nito.
Makikita rin na halos kasya ang paa ng maliit na bata kung sakaling mahulog sa malalaking butas.
Batay sa pagsisiyasat ng Romblon News Network sa mga nakaraang data ng Department of Transportation and Communications, nitong 2012 nagkaroon ng bidding para sa pagsasaayos ng pantalan at umabot umano sa P28.7 million ang budget nito.
Hiling naman ni Bernie Fallurin, sana maayos na agad ang pantalan para na rin sa mga pasaherong dumadaan dito.
Patuloy naman na kinukuhaan ng pahayag ng Romblon News Network ang pamunuan ng bayan ng Corcuera.