Nakatakda ng simulan ang kauna-unahang Minero Team Tournament sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island sa darating na October 15.
Ang Minero ay isang board game na kung saan inimbento ng isang Romblomanon sa katauhan ni Alcantara Sanguniang Bayan member Jose Luis Morales.
Ito ay inanunsyo ni Morales sa isinagawang tournament launching nitong gabi ng Martes, September 27.
Ayon kay Morales, first time umano itong gagawin sa buong Pilipinas. Layunin niya rin umano na bago pa sumikat sa buong Pilipinas ang nasabing laro ay makapag train na sa lalawigan ng Romblon ng mga grand masters.
Nitong mga nakaraang buwan lamang ay nakipagpulong ang grupo ng Minero Mind Sport International kay Senator Manny Pacquiao at ipinakita nila ang nasabing laro. Sinabi ng grupo na handa naman umano silang tulungan ni Sen. Pacquiao sa mga layunin nila.
Sa mga susunod na buwan, balak naman tumungo ng grupo sa pangunguna ni co-inventor Jim Sim sa ibang bansa upang ipakilala na rin sa international community ang larong proud na gawang Romblon.
Para sa mga gusto sumali sa Minero Team Tournament, maari niyong kontakin si SBM Joy Morales sa 09206900867.