Sumuko kahapon ng gabi, August 7, si dating El Nido, Palawan Vice Mayo Edgar Trinidad matapos na mapasama sa mga di umanoy narco-mayors na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon kay PNP Provincial Director Roade Tombaga, natakot umano si Trinidad sa siguridad ng kanyang buhay matapos na pangalanan ni Pangulong Duterte sa publiko. Isinuko niya rin ang kanyang baril sa awtoridad.
Sa report ng Palawan News, nagsubmit umano si Trinidad ng urine sample para sa isasagawa sa kanyang drug test.
Sinabi pa ni Tombaga, hindi umano kasama si Trinidad sa mga high-value target ng Philippine National Police sa Palawan.
“Sa ngayon wala pa, mas malawak naman ang network ng presidente,” pahayag ni Tombaga.
Hindi naman naglabas ng pahayag si Tombanga sa media.
http://palawan-news.com/former-el-nido-vice-mayor-tagged-narco-politician-surrenders-pnp/