Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist- Romblon ay nagkaloob kamakailan ng tulong pangkabuhayan sa mga mangingisda sa bayan ng Romblon.
Ang naturang ahensiya ay namahagi ng mga nylon at kawil (hook & line) sa mga mangingisdang nakatira sa 20 coastal barangay ng Romblon, Romblon.
Ayon kay Luisito M. manes, Acting Provincial Fishery Officer ng BFAR Romblon, kabuuang 130 kilo ng iba’t ibang numero ng nylon at 800 pakete ng kawil ang kanilang ipinamahagi sa dalawampung (20) mahihirap na mangingisda.
Nagkaloob din aniya ang BFAR 4B ng 22 rolyo ng lubid sa Oyster Culture Association ng Sitio Agbuyag, Bgy. Capaclan upang magamit ng nasabing grupo sa pag-aalaga at pagpaparami ng kapis (windowpane oyster).
Nagpasalamat sa BFAR ang mga mangingisdang nabiyayaan ng nasabing livelihood program ng pamahalaan dahil makatutulong ito sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.