Travel Tipid Tips
IG/Twitter: @zandee143
Maaring ang iba sa ating mga kababayan ay madalas lumuwas ng Maynila, magbakasyon pauwi ng probinsya o di kaya may planong maglibot kasama ang kaibigan o pamilya. Sa mga kababayan nating mga OFW, mahalagang inyong basahin ang aking travel tipid tips. Narito ang mga ilan sa tips para sa inyong masayang bakasyon.
1. Magplano ng maaga.
Siguraduhing may destination of choice na target ka na gustong puntahan sa loob ng anim na buwan o isang taon. Hindi masamang mangarap na puntahan ang mga lugar na inyong nakikita lamang sa facebook o instagram.
2. Check weather forecast
Pagkatapos itala ang mga lugar na nais puntahan, mas makabubuti ring alamin ang lagay ng panahon ng inyong travel date at lugar na inyong pupuntahan para makaiwas sa anumang aberya. Para sa weather forecast, maari ninyong tingnan ang lagay ng panahon ng maaga sa accuweather.com
3. Ang tanong, magkano ang iyong budget?
Kung ikaw ay isang opisyal ng pamahalaan, mag aaral, jetsetter o kung anu pa man, kailangan mong maglaan ng pera mula sa iyong sahod o allowance para mapuntahan mo ang lugar na matagal mo ng pinapangarap. Mag ipon ng halos 10% ng inyong pera sa isang buwan para mapaghandaan. Tandaan, hindi sa quality time nasusukat ang saya, sa quantity time.
4. Saan at paano ako makabibili ng mura?
Para sa mga domestic travel, mas mainam kung ikaw ay pumunta sa pinakamalapit na ticketing office ng barko sa inyong bayan. Kung ikaw ay may credit card, makatitipid ka rin sa mga online ticketing sites.
5. Eroplano o barko?
Ang sagot sa tanong na yan ay depende sa araw ng inyong paghahanda at budget. Para sa mga nagnanais na makakuha ng murang PAL Express ticket, pumunta lamang sa kanilang website at magbooked ng atleast 3-6 months advance. Ang airfare ay mababa tuwing lean at shoulder season mula buwan ng Hunyo hanggang Septyembre.
6. Wala akong credit card, paano ako?
Ang 2Go at PAL Express ay may mga options kung saan pwedeng magbayad na hindi kailangan ng credit card. Available sa mga piling tindahan kagaya ng bayad center o 7-11 stores ang online payment.
7. Mas mura ba sa website?
Ang sagot ay depende ulit sa season ng inyong travel. Yes, mas mura kung ang pinag uusapan ay airfare ng PAL Express. No, kung ang balak mong sumakay ng 2go o Montenegro lines.
8. Gala sa bakasyon, saan maganda at mura?
Para sa murang pagpipiliian, dumalo sa Philippine Travel Mart sa darating na September 2-4, 2016 sa SMX Convention Center para makakuha ng mga discounted airfares, accommodation at iba pa. Bukas ang nasabing event sa publiko.
9. Merong apps na makatutulong sa’yo
Sa mga jetsetter, backpacker o sa mga kababayan nating OFW may mga apps na makatutulong sa inyo para makakuha kayo ng murang airfare o accommodation. I-download lamang ang mga sumusunod:
a. Kayak. Base sa aking karanasan, mas mura ang mga airfare sa Kayak kumpara sa mga kalaban nito gaya ng Skyscanner at expedia.
b. Agoda. Sa mga naghahanap ng murang hotel o matitirhan, subukan nyung idownload ang app na ito, mas mura ang kanilang offer kumpara sa iba.
c. Airbnb. Sa madalas bumiyahe at may mababang budget, Airbnb ang solusyon para makahanap ka ng murang matutuluyan. Ang Airbnb ay mura at safe, at ito ang madalas kong ginagamit sa mga nakaraang tour.
10. Always travel light.
Siguraduhing huwag magdala ng higit 7 kilos na gamit para hindi ka magkaproblema sa pagbuhat at maging sa presyo na iyong babayaran sa eroplano.
Para sa tanong o komento, mag email sa zandee.briones@ue.edu.ph