August 18 nitong 2015, pinagsasaksak si Rezin sa loob ng tinutuluyang boarding house sa loob mismo ng Romblon State University Main Campus at ayon sa mga naunang report, pinasok umano ang bahay ng isang hindi nakilalang lalake. Nagtamo naman ang kanyang pinsang si April Joy Ferrancullo ng sugat na ngunit naisugod sa Hospital.
Ilang araw ring nagsagawa ng imbestigasyon sa kaso, re-enacment sa krimen, at pagkuha ng iba’t ibang salaysay na halos lahat ng kapit-bahay, ng mga operatiba ng Odiongan Municipal Police Station at ng Intelligence ng PNP sa lalawigan.
Iba’t ibang pagtitipon rin sa loob at labas ng Campus ang ginawa ng mga estudyante para kondinahin ang nasabing krimen.
Makalipas ang tatlong buwan, November 05, naghain ng kasong murder kay Provincial Prosecutor Rossana Montojo ang pamilya ni Rezin Galicha sa pinsan nitong si April Joy Ferrancullo at sa dalawa pang dawit umano sa kaso.
Hindi naman pinanganalan ng pulisya kung sino pa ang dalawang kinasuhan hangga’t hindi pa tuluyang nadadala sa korte.
Pahayag noon sa Romblon News Network ni Police Senior Inspector Alvimar Flores, dating Chief of Police ng Odiongan Municipal Police Station, ang desisyon na kasuhan ang pinsan ni Galicha ay resulta nang mabusisi nilang imbestigasyon sa mga salaysay ng mga unang rumesponde sa krimen at mga naiwang ibedensya sa crime scene.
Base sa mga salaysay ng mga kapit-bahay ng pinangyarihan ng krimen, sinabi nilang pasado ala-una ng madaling araw ng may marinig silang sigaw na “Aaaaaaaaah. Ahhhhhhhhhhhhh” na tumagal ng halos sampung (10) sigundo na sinundan naman ng malakas na sigaw na “Tabang! Tabang! Tabang!” na ibig sabihihn ay “Tulong! Tulong! Tulong”.
Nakasaad rin sa investigation report ng OMPS na walang ibang napansin na pumasok sa loob ng bahay dahil tanging mga fingerprints ng survivor ang nakita sa door lock ng crime scene.
Isa rin sa mga pinagbasehan ng kaso ang pabago-bagong salaysay ng pinsan ni Rezin, isa na rito ang pahayag niya na ang natatandaan niyang suspek ay chubby at 5’2 ang height na binago niya ng magkaroon na ng re-eneactment sa crime scene.
Kaso ni Rezin, pending parin sa Provincial Prosecutor’s Office
“One year na pero wala paring katarungan para kay Rezin.”
Yan ang isa sa mga pahayag sa Social Media ng mga taong nagtatanong nitong nakaraang mga araw patungkol sa kung kumusta na nga ba ang kaso sa pagpatay sa isang estudyante ng Romblon State University na si Rezin Galicha noong taong 2015.
Isang taon matapos ang nangyaring pagpatay kay Rezin, muling sinilip ng mga mamamahayag ng Romblon News Network ang kaso.
Batay sa police source ng RNN, patuloy umanong ni-rereview ng Provincial Prosecutor’s Office ang kaso at maaring sa mga susunod na araw, o di kaya ay linggo, mag-labas na sila ng desisyon kung didiretso ang kaso.
Binalikan rin ng RNN ang bahay kung saan pinatay si Galicha at hanggang ngayon naka secure parin ito ng Police line.
Dalawampu’t dalawang taon na sana nitong August 19, si Galicha at maaring nakapagtapos na rin sa kanyang kursong Bachelor of Science in Biology.