Opisyal ng naging batas nitong July 17 ang MIMAROPA Act na magpapalit sa rehiyon ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan na dating may pangalang Region IV-B patungo sa MIMAROPA Region.
Ikinatuwa ito ni Senator JV Ejercito na pinamunuan niyang talakayin.
Ang RA 10879 o MIMAROPA Act ang magbibigay ng distinct regional status sa kasalukuyan niyang rehiyon na Region IV.
Hindi na kailangang tawaging Region IV-B ang rehiyon na binubuo ng Mindoro (Oriental and Occidental), Marinduque, Romblon and Palawan dahil ngayon ay tatawagin na siyang MIMAROPA Region.
Inaasahang itataas nito ang economic standing ng mga probinsya nito at makakatulong rin sa tourism at agriculture.