Bumisita sa bayan ng San Fernando ang Office of Civil Defense MIMAROPA nitong July 31 upang mag install ng rain gauges at magsagawa ng training sa Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils.
Ayon kay Harlie B. Relox, MDRRMO sa San Fernando, nag install ang OCD-MIMAROPA ng 5 manual rain gauges, at isang automatic rain gauges.
Ang isang rain gauges ay magagamit ng MDRRMC at mga BDRRMC sa pagiging handa sa biglaang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan. Madali nilang malalaman kung gaano na kadami ang ulan na ibinuhos sa lugar nila.
Nilagay ang 5 manual rain gauges sa mga barangay ng Otod, Panangkalan, Pili, Taclobo, at Espana na kung saan laging matataas ang tubig kapag umuulan.
Habang ang automatic rain gauge naman ay inilagay sa Poblacion ng nasabing bayan.
Naglagay rin ng water level marks ang OCD-MIMAROPA sa mga ilog ng Ipil River sa Barangay Panangkalan at sa Mabolo River sa Barangay Mabolo para madali malaman kung kailangan ng ilikas ang mga taong maaabot ng tubig baha kung sakaling lumaki ang tubig sa mga ilog.
“It empowers individual or communities to act in sufficient time and appropriate manner to reduce the loss life, property and economy,” pahayag ng OCD-MIMAROPA.