Mahigit one million pesos ang inilaan ng Local Government ng Cajidiocan sa Sibuyan Island para sa mga cellular loads ng mga empleyado nito nitong 2015 ayon sa Commision on Audit.
Sa nakuhang 2015 report ng Romblon News Network sa Commision on Audit, umabot ng P1,062,269.90 ang nagastos ng munisipyo para sa kanilang load at naka addess ito sa kanilang report bilang Telephone Expenses.
Pinagpapaliwang ng Commision on Audit ang pamunuan ng Cajidiocan sa pangunguna ni Mayor Nicasio Ramos, dahil wala umano silang ipinasang basihan kung sino ang tumanggap ng mga cellphone loads.
Ayon pa sa COA, meron ding cellular card na ipinasa sa kanila na October 2014 palang ay expired na gayong 2015 ito ipinasa.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Mayor Ramos, sinabi nitong lahat ng regular employee ng munisipyo ng Cajidiocan ay may load allowance na P1,000 at ito ay inaprubahan ng Sanguniang Bayan bago pa siya maupo sa pwesto taong 2013.
Dagdag pa ni Mayor Ramos, may more or less 60 regular employee ang kanilang munisipyo.
Sinilip rin ng Romblon News Network ang Annual Audit report ng bayan ng Odiongan at umabot lamang sa mahigit P300,000 ang kanilang nagastos sa Telephone Expenses gayong mas marami ang kanilang regular employee kesa sa bayan ng Cajidiocan.
Dagdag pa ni Mayor Ramos, ipapasa umano nila sa COA sa mga susunod na araw ang resolution ng Sanguniang Bayan na pumapayag na magbigay ng load allowance sa mga empleyado ng munisipyo.