Matapos ihayag ng Pangulong Duterte na ipapabago nya ang procedure sa bidding na hindi na umano mga ‘lowest bid’ ang dapat pinapanalo dahil sa nagiging ugat lamang ito ng corruption, marami naman sa mga supporters ng Pangulo ang natuwa. Naniniwala sila sa sinabi ng Pangulong Duterte na maiiwasan nga ang korapsiyon sa mga bidding kapag hindi pinapanalo ang ‘lowest bid’.
May punto po ang Pangulong Duterte sa pagsabi nito na ang ‘lowest bid’ ay maaari lamang na pagmulan ng corruption, bagamat hindi sa konteksto ng pagiging mababa talaga nag uugat ang katiwalian, kundi sa hindi tama na proseso ng bidding.
Isa sa mga karaniwang korapsiyon sa bidding ay ang tinatawag na ‘collusion’ – tumutukoy ito sa sekretong pagkakaalamanan o conspiracy ng mga bidders na kunwari magkakalaban sila pero ang totoo ay magkakampi-kampi lang naman pala at niluluto lang ang bidding lalong lalo sa tinatawag po nating ‘commercial offer’.
Kadalasan, ang gagawin ng ibang mga bidders ay tataasan ang kanilang offer, para ang isang bidder na kunwari kalaban pero ang totoo ay kakampi ay mag o-offer ng mababa sa offer ng iba, nangangahulugan ito na siya nga ang maaaring manalo. Ang konteksto ng lowest bid dito ay tumutukoy lamang sa comparative na commercial offers ng mga bidders at hindi actually sa totoo o makatarungang presyo ng mga proyekto.
Sa tema mga kababayan ng procurement management bilang bahagi ng kabuoang aspeto ng project management, may tinatawag tayo sa bid evaluation na ‘lowest and unique bid’ at kadalasan ito ang pinipanalo. Dahil dito, tama si Pangulong Duterte na hindi porke lowest ay dapat ng manalo.
Halimbawa: Merong 6 bidders ang isang proyekto. Dalawa sa bidders ay nag offer ng P120,000, isa ay nag offer ng P130,000, dalawa pa ay parehong nag offer ng P140,000 at ang isa pa ay nag offer ng P150,000. Sa halimbawang ito, ang nag offer ng ‘lowest and unique price’ ay ang isang (solo) na nag offer ng P130,000. Bagamat may nag offer sana ng P120,000 pero hindi unique bagamat mas mababa sana sa P130,000.
In no case naman kasi, malabo na magkapare-pareho ang bid offers at kung ito ay mangyari man ay malakas ang posibilidad na nagkaroon ng collusion o iba pang irregularity sa bidding.
Ngayon, sino ba ang dapat manalo sa bidding? In contrast sa sinabi ng Pangulong Duterte na hindi dapat ang lowest bid ang mananalo? Yung highest bidder ba? Ang sagot ko po diyan, ay hindi rin.
Dahil kung ang proseso lang ng bidding ay tama at walang irregularity, lahat po ng bidders ay nagre-refer sa iisang bid docuements at mga specifications nito. Hindi garantiya na porke mataas ay wala ng corruption doon, dahil sa kung tama lang ang proseso ng bidding, ang highest bid which means, sobra-sobrang paglagay ng presyo sa mga materyales o serbisyong napapaloob sa proyekto, ay hindi rin tama at magdudulot lamang ito ng sobra-sobra at hindi makatarungang paggastos sa panig ng may-ari ng proyekto o ng gobyerno.
Samakatuwid, ang totoong dahilan ng corruption sa mga bidding ay ang pagkakaroon mismo ng conspiracy sa mga taong involved tulad ng collusion ng mga bidders at mga tao mismo ng gobyerno na involve sa bidding processes, tulad ng mga nasa Bids and Awards Committee. Kahit pa sabihin ng Pangulo na highest bid o hindi lowest bid ang dapat na manalo para maiwasan ang corruption, hindi ito ang totoong magiging solution sa corruption lalong-lalo na kung hindi rin naman maaayos ang sistema at proseso ng bidding.
Ang totoo, wala namang masama at mali sa lowest, unique and best bid, kundi ang totoong salarin diyan ay ang corruption na mismo ng mga tao ng gobyerno na involved sa bidding processes, at collusion ng mga bidders. Kung hindi lowest, unique and best bid ang mananalo, pero nandun pa rin ang conspiracy at collusion, e lalong tiba-tiba mga contractors at mga tao ng gobyerno na sangkot sa conspiracy kung lalong magiging mataas ang bid offers na mananalo.
Kinakailangan na mas pagbutihin ang sistema sa bidding. Kung may mga pamamaraan na pwedeng gawin upang matiyak na maiwasan ang corruption ng mga tao mismo ng gobyerno at mga bidders tulad na lamang halimbawa ng pagbabago sa procedure at pagiging transparent ng mga bid documents o pag-tap ng mga matitino na 3rd party consultants na hindi kayang e bribe ng mga bidders.