Kasamang nagtapos sa 14-days na training ng Special Training for Employment Program (STEP) with specialization on Perform Diesel Gas Engine Tune Up Leading in Automotive Servicing NCI ng Technical Skills Development Authority o TESDA ang lima (5) sumuko sa Oplan Tokhang ng Odiongan Municipal Police Station kahapon, August 30.
Hindi na papangalanan ng Romblon News Network kung sino ang 5 kalalakihan.
Ang lima ay kasama sa mahigit 20 na kalalakihan na nagtapos sa Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Skills Development Authority ay magkakaroon na ng kakahayang mag-ayos ng mga Automative Small Engine.
Ito ay ilan lamang sa mga proyekto ng pamahalaan para magkaroon ng hanap buhay ang mga mamayan ng Odiongan para na rin maiwasan ang pag gamit o pagtutulak ng iligal na droga lalo na kung nangangailangan sila ng pera.
Sa maikling programa na ginanap sa harap ng Odiongan Municipal Hall, hinimok ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga nagtapos at mga nakikinig sa graduation na sana magtulungan para maabot ang vision ng Local Government na maging drug-free ang bayan ng Odiongan.
Sinabi naman ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang limang sumuko na patunayan ang kanilang pangako na lalayo na sa iligal na droga kundi hindi sila magdadalawang isip na ipatupad ang batas.