“Ako’y nagpapasalamat sa pag acknowledge sa akin, (sa totoo) hindi ko alam kung paano pag classify doon,”
Iyan ang mga pahayag ni Governor Eduardo Firmalo ng makapanayam ng mga mamahayag nitong Huwebes kaugnay sa pagkakabilang niya sa sampung gobernador na maganda ang ipinakikita sa paglaban sa iligal na droga.
Hanggang ngayon umano hindi pa napapanood ng Gobernador o nababasa ang kahit anong balita sa mga pahayagan kaugnay sa pagkakapasok niya sa listahan ng DILG ngunit may mga nagtetext na umano sa kanya at binabati siya.
“Salamat po sa pagtitiwala, nakausap ko ang DILG sa Region at sabi ay isinama daw ako dahil meron tayong Seal of Good Governance at pagkatapos noon ay nag background check kung hindi kasali sa iligal drugs at iligal gambling, and I understood na nag interview pa sila sa mga kaibigan at relatives. At siguro nagkaroon sila ng enough basis,” pahayag ng Gobernador.
“I would like to thank the DILG for having a good opinion of me.” dagdag pa ni Firmalo.
Simula palang umano ito ng paglaban ng lalawigan sa iligal na droga.
Hinikayat rin ng Gobernador ang mga Romblomanon na sana iwasan na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Batay sa taya ng Romblon Provincial Police Office nitong August 25, aabot na sa mahigit 700+ na personalidad ang sumukong drug pusher/user sa kanilang Project Tokhang.