Kasama sa listahan ng sampung Gobernador sa buong Pilipinas ang Gobernador ng lalawigan ng Romblon na maganda ang ipinapakitang paglaban sa iligal na droga.
Sa report ni Marlon Ramos ng Philippine Daily Inquirer, sinabi nitong si Governor Firmalo ay kasama sa listahan ng mga pangalang isusumite ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno kay President Rodrigo Duterte ngayong araw ng Lunes, ito ay kasunod ng plano ng Pangulo na pangalan pa ang second batch ng mga elected officials, judges, at police force na sangkot sa transaction ng iligal na droga.
Kasama sa listahan na nakuha ng Inquirer ay sina Governor Imee Marcos (Ilocos Norte), Governors Faustino Dy III (Isabela), Junie Cua (Quirino), Jose Alvarez (Palawan), Eduardo Firmalo (Romblon), Alfredo Marañon (Negros Occidental), Edgardo Chatto (Bohol), Hilario Davide III (Cebu), Daisy Avance-Fuentes (South Cotabato) at Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba (Agusan del Norte).
Ayon kay Sueno, mabusisi ang kanilang pagkuha ng mga pangalanan ng mga Gobernador na maganda ang ginagawa kontra droga.