Natapos ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) MIMAROPA ang kanilang GeoHazard Seminar na ginanap sa iba’t-ibang bayan ng Romblon nitong buwang Agosto 2016.
Ang grupong nag-ikot sa isla ng Tablas at san Jose, atbp.ay pinangunahan nina Sr. Scienc Research Specialist and Team leader Arnold A. Villanueva ang isang batch na kinabibilangan nina Geologists 2 Francis Jay F. Escal, G2 Jose Mari Kyle L. Martillano, G2 Maneka Kristia B. Alemania, GIS Specialist Carissa Bernadette A. Isip, AA VI Nelson C. Sunga at G. Allan N. Carizzo.
Naging napakahusay ng kanilang pagganap sa seminar na sinamahan ng orihinal na mga power point presentations na inihanda mismo ng mga science specialists ng Bureau. Namahagi din sila ng mga mapa at posters ukol sa mga sakunang baha, at landslide.
Nanguna naman ang mga Municipal Disaster Risk Management Offices ng bawat LGU na dinaluhan ng mga representante mula sa mga Barangay LGU, DepEd, PNP, at mga NGO sa komunidad. Ang huling munisipyo na kanilang pinuntahan ay ang Alcantara bago sila bumalik sa Mimaropa office nila noong ika-16 ng Agosto, 2016.