Ikinatuwa ni Senator JV Ejercito ang pagiging batas ng ilan sa mga pinamunuan niyang talakayin noong 16th Congress sa Economic Affairs Committee sa Senado kabilang na rito ang Republic Act 10879 o MIMAROPA Act.
“I am really overwhelmed with the positive outcome of all our hardwork in the Economic Affairs committee. Through our partnerships with various stakeholders, the committee had been instrumental in enacting three important laws,” ayon kay Ejercito.
Dagdag pa niya, “Today we finally amended the restrictions to foreign investment through Republic Act 10881. The MIMAROPA Region is now established through Republic Act 10879 and Republic Act 10922 instituted the Economic and Financial Literacy Week.”
Ang RA 10879 o MIMAROPA Act ang magbibigay ng distinct regional status sa kasalukuyan niyang rehiyon na Region IV.
Hindi na kailangang tawaging Region 4-B ang rehiyon na binubuo ng Mindoro (Oriental and Occidental), Marinduque, Romblon and Palawan dahil ngayon ay tatawagin na siyang MIMAROPA Region.
Inaasahang itataas nito ang economic standing ng mga probinsya nito at makakatulong rin sa tourism at agriculture.
Sa ulat ng Philippines Star sa twitter, ang nasabing batas ay maglilipat sa MIMAROPA galign sa Southern Tagalog Region patungo sa bagong SouthWestern Tagalog Region.