Inaasahang itatayo ngayong taon sa bayan ng Odiongan ang kauna-unahang drug rehabilitation center sa buong probinsya ng Romblon.
Sa panayam ni Emmanuel Eranes ng Radyo Natin Odiongan nitong Sabado, August 06, kay Mayor Trina Fimalo-Fabic, sa bayan ng Odiongan napili ng Depatment of Health na itayo ang gagawing Provincial Drug Rehabilitation Center.
Sa lupa ng provincial government umano ito itatayo sa Barangay Canduyong.
Ayon naman kay Sanguniang Panlalawigan member Felix Ylagan ng makapanayam ng Romblon News Network, approved na umano pag-donate ng lupa na 5,000 square meters na papatayuan ng Department of Health.
Nagkaroon na rin umano ng presentation ang Department of Health kung anong klaseng building ang kanilang itatayo at kung anong mga gamit ang ilalagay nila rito.
Wala pang pahayag ang Department of Health kung kelan sisimulan ang construction sa nasabing building.