Mapalad ako at isa ako sa mga nakasama at makadalo sa isang pagpupulong ngayong araw na ginanap sa loob ng Malacang Palace, News Information Bureau kaugnay ng kanilang paghahanap ng mga manunulat na handang maglingkod sa gobyerno.
Isa sa mga tinalakay ng nasabing pagpupulong ang pagkakaroon ng mga student trainees sa kanilang tanggapan at kung paano mapabuti ang ahensya. Kasama kong dumalo ang aking mga kasamahan sa University of the East sa pangunguna ng aming OJT Coordinator na si Prof. Sandra Morales at sina Prof. Shariff Eboy, Prof. Chrisdie Flores at isang aktibong student leader na si Julius Leonen.
Sa pagpasok palang ng palasyo, masasabi mong may mga nagbago na. Kung dati ang mga bisita ay sa Gate 11 lamang pwedeng dumaan, kanina ay sa Gate 7 na kami pinapasok na malapit sa Mabini Hall o kilala rin sa tawag na Administration Building. Ito na ang ikalawang beses kong makapasok sa palasyo at masasabi ko na lumuwag ang patakaran para sa mga bisita.
Malaya kaming nakapag ikot at nakakuha ng larawan sa mga piling lugar. Pagkatapos ng pagpupulong, nabigyan kame ng libreng tour sa Presidential Museum and Library.
Sa nasabing tour, nabanggit sa amin na balak buksan ng Pangulong Duterte ang palasyo sa publiko kasama na dito ang museuo. Layunin nito na maalis ang takot o negatibong imahe ng palasyo na kung saan ito ay para sa mga mayayaman lamang. Sa loob ng museo, makikita dito ang ibat ibang memorabilia ng mga nakaraang pangulo gaya ng damit, mga regalo, at mga mahahalagang dokumento.
Habang nagpapalipas kami na tumila ang ulan, nakapasok kami ng Mabini Hall, at sa pagkakaalam ko, ang gusaling ito ay bukas lamang sa mga bisita ng Pangulo, mga opisyal at mga mangagagawa. Napansin ko na may kalumaan ang gusali at kailangan ng ayusin. Isa rin sa nakatawag pansin sa amin ay ang mga security guards ng palasyo na kung saan sila ay maayos kausap at hindi mayabang. Sa ngayon, ang palasyo ay naghahanap ng mga magiging katuwang para sa iba’t ibang ahensya kagaya ng News Information Bureau.
Umuwi kaming basang basa sa ulan pero ayos lang. Sa ngayon unti-unti ko ng masasabi na may pagbabago ang ating gobyerno. Sa mga nagnanais bumisita sa museo, magsadya lamang bisitahin ang website ng malacanang.gov.ph para sa iba pang impormasyon.
Si G.Briones ay laking Alcantara at isang Tourism Professor at kasalukuyang Department Chair ng International Hospitality Management sa University of the East, Manila. Nagtapos ng kursong Master of Science in Tourism Management at Doctor of Philosophy in Business Management taong 2013 at nagawaran ng Best Research sa Asia Pacific Council on Hotel, Restaurant and Institutional Education noong 2013. Kanya ring naipaipresenta ang isa sa kanyang mga research paper sa Harvard University noong nakaraang taon.
Para sa komento at suhestyon mag email sa zandee.briones@ue.edu.ph o sa instagram: zandee143