Simula sa Lunes, maari ng mag proseso ng mga application para sa DFA passport, NSO birth certificate, at NBI Clearance sa Municipal Hall ng bayan ng Odiongan.
Ito ay matapos na ipagkaloob sa kanila ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang tatlong bagong mga bagong laptop na kung saan maaring gamitin sa pag proseso ng mga nabanggit na papeles.
Kung kayo ay kukuha ng NBI Clearance at DFA Passport, maari kayong pumunta sa Odiongan, sagutan ang ilang forms at requirements online at isubmit ito gamit ang application na naka ginawa ng DICT. Kung na isubmit na, bibigyan kayo ng araw o schedule ng DFA o NBI kung kelan kayo pwedeng pumunta sa opisina nila sa Manila para sa personal apperance.
Ang maganda umano rito ayon kay Mayor Trina Firmalo ng makapanayam ng Romblon News Network, hindi na kailangan pumili ng mga taga-Odiongan o di kaya mga taga-Romblon sa DFA at NBI ng pagkatagal-tagal, kailangan nalang nila ay sagutan ang form at mag schedule ng appointment.
Kung kukuha naman ng NSO Birth Certificate, sagutan lang ang ilang kailangan sa application, isubmit gamit ang application, at magbayad sa Municipal treasurer para pambayad sa courier at ihahatid sa inyo ito ng courier service sa inyong pintuan.
Ayon pa kay Mayor Firmalo, may 6 na barangay hall sa Odiongan na ring binigyan ng software ng DICT at pinagkalooban niya rin ng internet para maari ng mag proseso sa kanilang mga barangay hall ng mga nabanggit.
Maliban sa mga ito, maari ring gamitin ang mga laptop ng mga estudyanteng gustong mag research, o di kaya sa mga estudyanteng gustong magbasa ng mga books, at gusto mag aral sa Alternative Learning Center sa pamamagitan ng mga computer exercises.
Para naman sa mga naghahanap ng trabaho, maarin ring gamitin ang software para maghanap ng mga job offerings sa iba’t ibang kompanya sa Manila.
Ang lugar kung saan nakalagay ang mga gamit ay tatawaging Tech4Ed Center ng DICT sa bayan ng Odiongan.