by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 04 July 2016
Sa pagpapatuloy ng operation Tokhang (Tuktok-Hangyo) sa lalawigan ng Romblon, isa nanamang kabilang sa top drug personalities ang sumuko ngayong umaga sa tauhan ng pulisya sa bayan ng Odiongan.
Ang nasabing lalake ay pangatlo sa top 10 drug watchlist ng bayan.
Ito ay pang sampu sa buong lalawigan na sumuko sa mga kapulisan mula ng umupo sa pwesto si Police Chief Superintendent Ronald Dela Rosa bilang bagong PNP Chief.
Sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’, kinakatok ng mga pulis ang bahay ng mga pinaghihinalaang mga drug personalities at pinakikiusapan ang mga ito na huminto na sa kanilang mga drug activities.
Iniharap naman ang nasabing lalake kay Mayor Trina Firmalo para mapagbigyan ang kanyang kahilingan upang hindi na magbenta ng shabu.
Sabi ni Firmalo, handang tulungan ng munisipyo ang mga taong lulong sa droga na gustong magbago at bibigyan ng pahunan upang makapag simula sila sa marangal na trabaho.
Ipinangako naman ng lalake na titigil na siya sa paggagamit ng droga at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Payo ng lalake sa iba pang gumagamit ng shabu ay tumigil na at sumuko na sa kapulisan dahil walang magandang maidudulot sa buhay ang iligal na droga.