by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 19 July 2016
Nananawagan ang Commission on Elections (COMELEC)-Romblon sa lahat ng kabataan may edad 15 hanggang 30 gulang na magparehistro para sa idaraos na Sangguniang Kabataan o SK elections sa Oktubre 31.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Percival Mendoza, maaring pumunta sa kanilang mga tanggapan mula ika-15 hanggang ika-30 ng Hulyo, simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at magiging bukas sila kahit pa weekend o holiday.
Inaabisuhan ang mga magpaparehistro na magdala ng dalawang valid ID at hindi muna tinatanggap ang magpapalipat o transfer ng rehistrasyon ng isang botante.
Samantala, paglilinaw ni Atty. Mendoza na awtomatikong rehistrado na sa SK elections yung mga nakaboto sa National and Local Elections noong Mayo 9.