Nakipagpulong ang mga alkalde ng probinsya ng Romblon sa mga representative ng Asian Palladium Mineral Resources Inc. sa Manila nitong Sabado upang malaman ang side ng kompanya kaugnay sa kanilang balak na exploration sa karagatang nasasakupan ng Tablas Island upang maghanap ng palladium at ibang mineral.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, present sa meeting ang mga Mayor na miyembro ng League of Municipalities of the Philippines – Romblon Chapter, Governor Eduardo Firmalo, at dalawang Sanguniang Panlalawigan member na sina Samuel Romero at Dr. Venizar Maravilla.
Humihingi umano ang Asian Palladium Mineral Resources Inc. ng Resolution mula sa League of Municipalities of the Philippines – Romblon Chapter upang payagang makapag sagawa ng Information, Education and Communication Campaign o IEC sa mga nasasakupan ng mga alkalde.
Ngayong araw, nakipagpulong naman ang mga alkalde sa Bureau Of Mines And Geosciences ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Mayor Rachel Bañares ng Corcuera, president ng League of Municipalities of the Philippines – Romblon Chapter, hindi umano sila maglalabas ng resolution para sa hinihinging IEC ng kompanya.
Nilinaw niya rin na nasa alkalde na ng mga bayan ang desisyon kung papayagan nilang magsagawa ng Information, Education and Communication Campaign o IEC ang Asian Palladium Mineral Resources Inc sa kaniang lugar.
Ikinakatakot naman ito ng mga mining advocate sa lalawigan dahil kung sakaling pumayag ang mga alkalde na magsagawa ng IEC ang kompanya sa mga munisipyo, ibig sabihin umano ay may isang requirement na ang kompanya na nagawa.
Pahayag nila, sana hindi magbago ang paninidigan ng mga alkalde na nauna na nilang nakausap patungkol sa nasabing application ng Asian Palladium Mineral Resources Inc