by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 10 July 2016
Handang ipa drug test ng bagong halal na alkalde ng bayan ng Concepcion, Romblon ang mga empleyado ng local government unit sa kanilang bayan kasunod ng mas pinaigting na kampanya ng bagong administrasyon kontra sa mga ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa Concepcion Municipal Police Station nitong Biyernes, July 8, sinabi umano ito Mayor Medrito Fabreag sa kanilang pagpupulong patungkol sa paglaban sa iligal na droga kasama ang mga namumuna sa mga departamento ng LGU.
Ipinaliwanag sa kanila ni Police Inspector Peter Brian Fallurin kung ano ang Oplan TokHang at ang Project Double Barrel ng kapulisan sa buong bansa.
Sa huling taya ng Romblon Provincial Police Office, aabot na sa mahigit 200 drug personalities sa buong lalawigan ang sumuko na sa mga kapulisan at nangakong magbabago.