Sabay-sabay na tumungo sa Public Plaza ng Naujan kahapon ng ng hapon ang aabot sa 1,091 drug users at pushers ng munisipalidad ng Naujan sa Oriental Mindoro.
Kusang sumuko ang mga ito sa awtoridad bilang bahagi parin ng kampanya ng pulisya na Oplan Tokhang.
Nagkaroon ng maikling programa ang sa public plaza kung saan tumungo ang mga mahigit 1000 na involved sa kalakaran ng iligal na droga.Pinangalanan ang programang “Pledge for a drug-free Naujan” kung saan nagsalita si Mayor Mark Marcos.
Ang nasabing programa ay para umano sabay-sabay na manumpa ang mga drug users/pushes ng bayan sa harap ng Mayor at iba pang miyembro ng local government unit, at ilang stakeholders.
Matapos ang maikling programa, nagbigay ng maikling seminar ang ilang taga PDEA kaugnay sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bilang bahagi ng kanilang rehabilitation, nangako rin ang paaralan ng Naujan Municipal College na tuturuan sila kaugnay sa Technical Education.
Kaugnay nito, linggo-linggo umanong dapat pumunta ang mga sumuko sa opisina ng Najuan Police para sa kanilang monitoring at community work.