Patuloy ang isinasagawang paghihigpit ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. sa mga kalsada ng bayan ng Odiongan upang matiyak ang ligtas na biyahe ng mga motorista sa lugar.
Kaugnay rito, nagsagawa ang grupo ng mga kapulisan ng OMPS ng checkpoint sa Barangay Poctoy kanina upang hulihin ang mga lumalabag sa batas trapiko.
Aabot sa limang motorista ang hinuli ng grupo matapos lumabag sa batas katulad ng pagmamaneho ng walang lisensya at may maiingay na pipe.
Paalala ng kapulisan, ugaliing magsuot ng helmet at magdala ng mga kaukulang papeles sa tuwing bumabiyahe sa kalsada upang makaiwas sa ano mang aksidente sa daanan.
Iwasan ring mag maneho ng lasing sa gabi dahil kalimitan umano sa mga naaksidente kapag gabi ay mga lasing.