by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Satuday, 16 July 2016
Umakyat na sa 366 ang mga taong sumuko sa buong lalawigan ng Romblon magmula July 01 hanggang 9AM ng July 16 ayon sa Romblon Provincial Police Office.
Kasama na rito ang isang drug user na nagpatulong mismo sa mamahayag na si Emmanuel Eranes at kay Bishop Ronel Fabriquer ng Iglesia Filipina Independiente upang sumuko sa pulisya.
Ang nasabing lalake na 19 taong ng gumagamit umano ng ipinagbabawal na shabu ay sumuko para makapag bagong buhay na at nangakong ititigil na ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot.
Inaasahang ihaharap ang nasabing sumukong lalake sa alkalde at Municipal Social Welfare and Development Officer ng bayan ng Odiongan para sa kanyang maaring makuhang assistance.
Pagklaro ni Police Inspector Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, hindi maalis sa watchlist ang nasabing sumuko at maaring hulihin ng kapulisan kung sakaling bumalik sa dating bisyo.