Patay ang isang alias Erwin, isang drug personality sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro matapos na mabaril ng hepe ng Socorro Municipal Police Station nitong gabi ng July 12.
Kwento ni Police Inspector Mark Son Almeranez, Chief of Police ng Socorro MPS, nitong July 12 umano ay nag operate sila ng apat na search warrant sa apat na bahay sa bayan ng Socorro at sa pang huling bahay umano na pinuntahan nila, kinatok nila si Alias Erwin para i-issue ang search warrant ngunit hindi siya sumasagot kahit nasa loob siya ng bahay.
Kaya pinilit ng grupo na pumasok ng bahay at pagpasok nila, nakita umano ni COP Police Inspector Almeranez ang suspek na may hawak ng bail at bago pa makapaputok ang suspek ay inunahan niya na ito.
Sinubukan pa umano nilang dalhin ang suspek sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.
Nakuha ng mga kapulisan sa bahay ni Alias Erwin ang isang cal. 45 pistol, at 11 sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Nakuha rin sa bahay ang sinunog na id, at wallet ng isang gwardya na natagpuang patay sa kalapit na bayan ng Mansalay nitong nakaraang linggo.
Si Alias Erwin ay Top 3 drug personality umano ng bayan ng Socorro at pinaghihinalaang isa sa mga umaangkat ng mga iligal na droga sa lugar.
Sa ngayon nasa morgue parin ang katawan ni Alias Erwin dahil wala pang pamilyang kumukuha sa bangkay.