by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 12 July 2016
Umabot na sa 303 kataong sangkot sa bentahan o paggamit ng iligal ng droga sa buong lalawigan ayon kay Police Senior Supt. Juan Annonuevo, Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office.
Ang nasabing pagsuko ng mga drug personalities ay bahagi parin ng Oplan Tokhang ng kapulisan.
Ayon kay PSSupt Annonuevo, bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island ang may pinakamaraming bilang ng drug personalities na kusang sumuko sa pulisya. Aabot na sa 88 katao rito ang sumuko.
Sinundan ito ng bayan ng Romblon, Romblon na may 64 at Looc na may 34.
Ang bayan naman ng San Fernando ay may 25; Magdiwang ay may 24; ang Alcantara at San Agustin ay may 11; Odiongan at San Andres ay may 10.
Sa bayan naman ng Calatrava ay may 8, Sta. Fe ay may 6; Ferrol ay may 5; San Jose ay may 2; habang ang Corcuera, Sta. Maria, at Concepcion ay may 1.