by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 03 July 2016
Patuloy ang isinasagawang drug awareness campaign ng pamunuan ng Romblon Municipal Police Station sa kanilang nasusukang munisipyo, ang kapitolyo ng probinsya.
Sa pangunguna ni Police Senior Inspector Sheljohn Nuga, Officer-in-charge ng MPS, nagsagawa ang mga kapulisan ng Film Showing kaugnay sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa mga kabataan at ilang residente Poblacion.
GInanap ito sa Freedom Park sa Barangay Poblacion 1, Romblon, Romblon kahapon ng gabi.
Ikinakatuwa naman ito ng mga residente ng lugar dahil sa nagkakaroon ng kamalayan ang mga residente ng Romblon, Romblon lalo na ang mga kabataan kaugnay sa mga ipinagbabawal na druga.
Matatandaang nitong nakaraang araw, isang lalake ang sumuko sa pulisya matapos matakot dahil sa sunod-sunod na drug operations ng mga kapulisan bago pa man umupo ang Pangulong Duterte.