by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 07 July 2016
Nadakip kahapon, July 06, ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Sheljohn Nuga ang dalawang babae na di umano ay nang budol-budol sa isang ginang na residente ng bayan ng Romblon.
Sa police report ng Romblon MPS, ang dalawang babae umano ay parehong residente ng Antique na nakilalang sina Agnes Sanchez at Cecile Villanueva.
Nagpakilala umano ang dalawa sa isang ginang na sila umano ay mangagamot, manghuula, at nagbebenta rin umano ng mga carmen at ano pang mga halamang gamot.
Ayon sa salaysay ng biktima base sa police report ng Romblon MPS, bigla umanong puunta ang dalawang suspek sa tindahan ng biktima na una ay may bibilhin pero kinalaunan ay inalok umano ang bikima na kung gusto magpatingin kung ito raw ay may swerte o may sakit.
Na una ay sinabihan ang biktima na swerte umano ito dahil sa dwende na nasa bahay nila at may kayamanang dala at ng makuha na ang loob ng biktima ay sinabihan naman na may sakit ito at kailangan tingan at gamutin.
Sinabi pa daw sa kanya ng mga ito na marami siyang kaaway at may nangbabarang sa kanya. Dahil sa takot naman ng bitkima, nagpagamot din naman ito sa dalawang suspek.
Sinabi rin umano ng mga suspek sa biktima na may uod umano ang kanyang katawan at kailangan kunin, pero pag hindi ito kinuha ay mamatay raw ang bitkima.
Sa takot, nagpagamot ito at hinigian ang biktima ng papel at panyo at nilagay ang itlog, kandila, luya at dinasalan ito nang mga nasabing suspet at tinanong kung kaya ng biktima bayaran ang bawat piraso ng uod na lumabas sa panya.
Kwento ng biktima, ng buksan umano ang panyo ay lumabas ang maliliit na butil na parang uod at paliwanag ng mga suspek aabot umano ng 200 piraso ang uod na nakuha at nagkakahalaga ito ng 177 pesos.
Pag hindi umano binayaran ng bitkima, hindi umano matatanggal lahat at mamatay umano ito kaya nagbayad ang biktima ng P35,000.00 dahil sa sobrang takot.
Matapos makapagbayad at makaalis ang mga suspek, agad na nagsumbong ang biktima sa kapulisan para mahuli ang dalawang suspek.
Nakakulong na ang dalawa sa Romblon MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 318 ng Revised Penal Code.
Paalala ng Romblon MPS at ni Mayor Mariano Mateo na maging maingat sa mga ganitong estilong panloloko. Paalala nila wag basta-basta magtitiwala sa mga taong nagsasabing meron silang daglian lunas at mga gamot sa kanilang mga karamdaman o pangontra laban sa barang o kulam at mahika na makakapagdulot na biglaang pagyaman lalo na at eto ay may kapalit umanong halaga.