by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 04 July 2016
Sumuko kahapon, July 03, sa mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station ang dalawang tao sa Romblon, Romblon na gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga kabilang ang isang barangay kagawad ng isa sa mga barangay ng nasabing bayan na rank number 3 rin sa listahan ng mga drug watchlist ng PNP Romblon.
Idinaan ang mga sumuko sa booking, mugshot, at fingerprinting bago sila pasumpain na titigilan na nila ang pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.
Nag boluntaryo ang dalawa na sumailalim sa rehabilition program ng mga kapulisan at ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.
Ang pagsuko ng dalawa ay bahagi parin ng ginagawang Oplan Tukhang ng Kapulisan sa Romblon.