Hindi na kinakailangan na dumayo pa patungong Metro Manil o karatig na mga probinsya para lang mag pa-CT Scan dahil simula ngayon ay available na ang computed tomography (CT) scan sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan.
Ang CT Scan ay magagamit sa pag x-ray ng mga liver, pancreas, intestines, kidneys, bladder, adrenal glands, lungs, at puso.
Magagamit rin ito sa pag-aaral sa blood vessels, spinal cords, at sa mga buto.
Ngunit ang pinaka pinag-gagamitan nito ay ang pag tingin sa brain ng tao kung saan pwedeng tingnan ang head injuries.
Nitong nakaraang linggo, isang batang may hydrocephalus ang unang pasyenteng nakasubok ng bagong CT Scan.