Opisyal ng inassign ngayong araw ng National Telecommunications Commission o NTC ang number na “8888” bilang National Complaint Hotline Number.
Ito ay alinsunod sa binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na madali ng makakapagsumbong ang mga Pilipino ng kanilang mga hinaing sa Malacañang nitong State of the Nationa Address niya.
Sa press release ng National Telecommunications Commission, sinabi nila na ito ay napagkasunduan sa pagpupulong ngayong araw sa Malacañang na dinauluhan ng mga representatives galing sa Department of Interior and Local Government, Civil Service Commission, Presedential Action Center, National Telecommunications Commission at mga Telecom Companies.
Maari ng gamitin ang National Complaint Hotline Number pagdating ng August 01, ayon sa NTC.
Lahat ng tawag sa 8888 ay magkokonekta sa Civil Service Commission at Presedential Action Center Citizens Complaint Center.