Tatlong pulis sa MIMAROPA Region ang nagpositibo sa isinagawang surprise drugtest sa lahat ng istasyon ng kapulisan sa buong rehiyon, ayon sa Regional Police Office ng MIMAROPA.
Ayon sa tagapagsalita ng MIMAROPA Regional Police Office na si Police Supt. Imelda Tolentino, ang tatlong pulisa ay galing sa mga probinsya ng Oriental Mindoo, Occidental Mindoro at Palawan.
Hindi muna ito pinangalanan ni Tolentino dahil isasailalim pa ang tatlong pulis sa confimatory test na isasagawa sa Camp Crame ng Crime Lab.
Dagdag pa ni PSupt. Tolentino, may mahigit 900 pang kapulisan ang hindi pa sumasailalim sa drugtest dahil nasa island municipalities sila at maaring ngayong linggo pa ito matatapos.
Sa ngayon, may roong mahigit 4,000 na kapulisan na ang dumaan sa drug test.
Nagsimula ang surprise drugtest sa mga kapulisan sa rehiyon nitong umupo nitong July 03, bilang Regional Director ng MIMAROPA RPO si Police Chief Supt. Wilben Mayor, dating tagapagsalita ng Philippine National Police.