by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 13 June 2016
Naging malinis umano ang unang araw ng pasukan ngayong taon ayon sa pamunuan ng Department of Education – Romblon.
Sa phone interview ng Romblon News Network kay Rhesty Marino, Public affairs Officer ng Schools Divison Office-Romblon ng Department of Education, sinabi nito na malinis sa kabuoan ang unang araw kahit na may ilang problema silang natanggap katulad nalang ng mga late enrolees.
“Anticipated na natin ito, kaya hindi naman siya ganun kalaking mga problema,” pahayag ni Marino.
Batay naman sa datus ng pamunuan, aabot na sa 5,057 na estudyante sa buong lalawigan ang nag enrol sa senior high school o Grade 11.
Nagpatupad naman ng shifting ng mga klase ang ilang malalaking public highschools sa lalawigan katulad ng Looc National Highschool, Odiongan National Highschool, at Romblon National Highschool dahil sa dami ng estudyante.
Isa ring mga dahilan rito ay ang kakulangan ng school buildings dahil hindi pa natatapos ang mga bagong pinapatayo ng DepEd na ayon sa DPWH ay end of July at August pa matatapos.
Hiling naman ni Marino na sana huwag na umabot ng January 2017 ang pagkakatapos sa mga bagong gusali upang magamit na ng mga mag-aaral.