by Paul Jaysent Fos, Romblon News / Photo from Emmanuel Eranes, Radyo Natin | Sunday, 26 June 2016
Inaasahang maghahain ng opposition bukas, June 27, kontra sa pagmimina sa Tablas Island, Romblon ang Provincial Government ng Romblon sa pamamagitan ng grupong Romblon Ecumenical Forum Against Mining sa opisina ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and National Resources sa Ermita, Manila.
Dala-dala ng grupo ang bulto-bultong papeles na naglalaman ng mga pirma galing sa iba’t ibang residente sa Tablas Island na kontra sa pagmimina.
Dala rin ng grupo ang sulat mula kay Governor Eduardo Firmalo para sa Secretary Ramon Paje na kumukuntra sa application ng Asian Palladium Mineral Resources, Inc para maghanap ng Palladium sa karagatang sakop ng Tablas Island.
Nakasaad sa sulat na mahigpit na kinukuntra ng mga taga-Romblon at ng buong Romblon Province ang nasabing explorasyon.
Suportado naman ang nasabing paghahain ng opposition ng grupong Alyansa Tigil Mina (ATM) at ng Bayay Sibuyanon Inc o BSI.
Matatandaang naglabas ang lalawigan ng Romblon ng Executve Order noong 2011 upang pigilan ang pagmimina ng mga metal at ayon kay Governor Firmalo, ito ay para sa mga taga-Romblon at para mapangalagaan ang kalikasan.
Sa ngayon, aabot na sa 7 grupo ang nag file na opposition paper sa MGB sa Manila.