by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 07 June 2016
Maaring isa lamang hoax ang article na isinulat ng isang website kaugnay sa malaking deposit ng Palladium sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas area.
Ang nasabing article na may title na “Biggest Palladium Deposits Discovered in Philippines” na isinulat ng isang Catherine Jones ay maaring gawa lamang.
Sa mensahe ng bagong may ari ng The Philippine Pride website na si Lars-Magnus Carlsson, hindi umano sila related kay Catherine Jones at taong March 2016 lamang niya nabili ang website.
“The blog post was generated in 2014 long before my ownership of this blog.” ayon kay Carlsson.
Ayon sa nasabing article, ang Negros, Panay, Mindoro, at Romblon Islands umano ay may pinakamalaking Palladium depoist sa buong mundo at pinagtibay umano ito ng 3-years study ng USGS at NASA.
Ito ang maaring naging dahilan para sa Asian Palladium Mineral Resources Inc., kung bakit sila nagpasa ng aplikasyon upang magmina sa halos 10,600 hectares na karagatang sakop ng Tablas Island, Romblon.
Binura na ngayon ang article sa website ng The Philippine Pride dahil umano sa baka mali ang impormasyon na nakasulat.
“We at Philippine Pride will not take any risks to come with false or wrong information. Better to be safe than sorry.” pahayag pa ni Carlsson.
“Thanks to your good work and informing us about this situation. I’m here to serve and protect the written word of truth.” dagdag pa ni Carlsson.