by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 23 June 2016
Maari umanong pumasok ang isa pang fast food chain sa lalawigan ng Romblon kung sakaling pumatok ang Jollibee na inaasahang bubuksan ngayong June 24 ayon sa opisyal ng Jollibee South Luzon na nakausap ng Romblon News Network nitong inauguration day ng Jollibee Odiongan.
“Wala akong alam sa plano ng ibang branch (Mang Inasal) ano, pero kapag marami ang nag patronise sa Jollibee siyempre makakapag encourage ito sa pagpasok ng iba pang branch (Mang Inasal),” pahayag ni Bambi Bejo, RUB Head for South Luzon ng Jollibee.
Ang Mang Inasal ay isa sa mga sister company ng Jollibee.
“Pero siyempre po, ang gusto po namin (company) ay ma serve po ang community to the best that we can,” dagdag pa ni Bejo.
Sinabi rin ni Bejo na ang Jollibee Odiongan ay isa sa pinakamalaking branch ng sikat na pinoy fast food chain.
“Hindi ako sigurado kung pangalawang pinakamalaki ito, dahil merong malalaki sa Mindoro at siyempre yung sa main branch natin sa Metro Manila. Pero sigurado ako na ito ay isa sa pinakamalaking branch ng kompanya,” pahayag ni Bejo.