by Renand Pastor, Romblon News | Saturday, 11 June 2016
Aabot sa 310 na estudyante sa buong anim na paaralan sa Santa Maria ang nakatanggap ng school supply bilang proyekto ng Banwa ko Palangga ko (BKPK) at Project 100-100-100 ni Mrs. Che Ingles ng UP Diliman.
Ang mga nasabing estudyanye ay mga papasok sa unang baytang ngayong June 13.
Ikinatuwa ng mga bata sa Concepcion Norte Elementary School ang pagdating ng blessings para sa kanila na kahit Sabado ay nasa paaralan upang mag-abang sa grupo.
Laking pasasalamat naman ni Mr. Agusto Imperial, principal ng CNSC, dahil umano sa laki ng Pilipinas ay napili niyang isa sa paaralan nila ang mabigyan ng tulong ngayong taon.
Matatandaang ang grupo ni Ingles rin ang nagsulong sa Yellow Boat Project na nagbigay sa isang libo na residente ng Batac, Bataan.
Balak rin ng grupo na dalhin ang Yellow Boat Project sa bayan ng Santa Maria sa mga susunod na taon.